Thursday, September 01, 2005

SIKYO BASE----a brief history

naalala ko ang aking childhood...haaayyy...

first day yata yun ng school, meron kaming spelling. unfortunately, walang spelling dun sa pinanggalingan kong school. tapos, eto na. yung teacher namin.

"spell FATHER"

i was like, "ano daw? father? as in tatay?" alam ko yung ibig sabihin ng father pero hindi ko alam yung spelling. sa sobrang pag-papanic ko, hindi ko napigilang tumingin sa papel ng kaklase ko. tapos, tumingin ako dun sa teacher ko, she was standing right in front of me and when i saw her, her eyes were so big that i just couldn't resist to poke her eyes with my pencil. pero kung ginawa ko nga yon, hindi ko na itutuloy ang kwento ko kasi masyadong brutal. eh, hindi naman nangyari yon dahil kahit papaano eh may self-control ako. so itutuloy ko.
yumuko ako. pinag-isipan kong mabuti ang spelling ng father. at alam mo ba kung anong kinalabasan?

"FADER"

at least malapit na. palitan mo na alng ng TH yung D.

tapos, naalala ko, yung sikyo-base. palagi ko silang nakikitang tumatakbo palagi galing sa isang poste papunta sa isa...tapos babalik uli. tapos, makikita ko na lang silang tumatakbo na naka-peace yung mga daliri and they were all shouting "sikyo-base!sikyo-base!"
ilang araw ko ring inobserbahan ang paglalaro nila para malaman ko kung paano nila ginagawa ang ritual na iyon. ngunit ang lahat ng pagod ko'y napawalang bisa. nag isip ako ng plano para malaman ko kung paano iyon. isang taon kong pinag-isipan yon. at nagawa ko lang iyonn nung grade 2.

sumali ako sa isa sa laro nila.

nakatayo lang ako sa poste. sabi sakin nung isa kong kaklase, "ikaw muna ang bantay-poste ha?"
tumango lang ako kahit na sa isip ko "ano yun?"

tapos, nakakapit lang ako sa poste. lalapit sakingyung kaklase ko sabi niya "akin na lang ang charge mo!" then iaabot niya saking yung kamay niya at i-aappear ko naman yung akin. at simula noon, nalaman ko na kung paano ang sikyo-base.

ang sikyo base pala ay binubuo ng dalawang grupo, kahit ilan basta patas ang bilang ng miyembro. ang goal ay mahawakan ang base ng kabilang grupo. pag nahawakan ka ng isa sa kalaban, ikukulong ka, hahawak ka sa poste (kung ikaw ang unang nahuli) tapos, yung susunod pang mahuhuli, sayo lang hahawak. ganon. para na kayo ngayong longganisa. tapos, yung dulo na tao, pag nahawakan ng kabilang grupo, sikyo base na kasi nakakonekta nga kasi siya doon sa poste niyo. yan lang ang basic rules. may special pa. kaya lang tinatamad na akong magtype kaya i-research niyo na lang o ipagtanong niyo.

tulog na ko. zzzzzZZZZZzzzzzZZZZZZZZZZZZZzzzzZZZZZZZz.......

0 Comments:

Post a Comment

<< Home