Saturday, March 24, 2007

Ano na ang kinabukasan ko?!

ngayon ko lang lubusang naisip na 4th year na pala talaga ako pagpasok. oo 4th year na.

isang 4th year na hindi pa handang magcollege.
hindi pa. hindi pa. hindi pa.

ume-echo yung 'hindi pa' sa utak ko...tsk.

unang una, hindi ko pa alam ang course ko. mahirap pala pag marami kang gustong maging. pag ganon, gugustuhin mong wala ka na lang 'maging'. haha!...parang ngayon, ayoko ng 'maging'. gusto kong ganto na lang ako habambuhay. habambuhay akong 3rd year highschool student...haayyy....

o kung hindi man ganon, gusto kong mabuhay na walang pinuprublema. yun bang kusang dumarating yung pera tapos gagastos ka na lang nang gagastos. kahit ano pwede mong gawin. basta mabuti. .manood, mag-internet,magtext, magSM, mag-sine, magparty,mag-gala...sarap ng buhay....ang puprublemahin mo na lang eh pano ka makakapuntang langit. bakit kaya hindi na lang ganun ang ginawa ng Diyos no? bakit marami pang kailangang prublemahin...pwede namang pagpunta na lang sa langit ang prublemahin. pero nandyan pa yung pera, pagkain, damit, tirahan, load at internet card...

bakit ba kasi naging civilized pa tayo...?! edi sana lahat tayo ngayon nakahubad at namimitas lang ng hapunan sa mga puno. tapos friend pa natin ang mga wild animals. o, diba, ang saya?! yan. yan lang naman ang gusto ko eh. plain hapipiness.

kung tutuusin, pwede akong mamuhay ng ganyan ngayon. kaso kailangan ko munang maghanap ng punong makukuhanan ng panghapunan.

Civilization. Civilization. Bakit dumating ka pa?! pinahirap mo lang ang mga buhay namin.

iaa pa yang pera na yan eh! bakit ba may nakaisip pa ng pera na yan ha?! okay na ko sa trading lang eh. kaso, pera pa! yang papel na yan na hindi ko alam kung anong meron at napakaraming nahuhumaling dyan. gaano lang ba yan?! magagamit niyo ba yan pag namatay na kayo?! bakit sila nagpapayaman ng todo?! bakit kailangang mangurakot?!

kung walang pera, masaya sana ang buhay ngayon. sana maeliminate na yang pera na yan. sana!!!

haayyy...ano kaya ang sumapi sakin at galit na galit ako ngayon?!

magbasa kayo ng Bible ha.

halina't hubarin ang mga damit at mamitas tayo ng dinner natin.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home