Sunday, March 11, 2007

invisible bruises

naranasan mo na ba yung pagkagising mo na lang isang umaga eh hindi mo maramdaman ang katawan mo?!

ako kaninang umaga lang.

hahaha! gumising ako tapos nakatingin lang ako sa kisame ng kwarto ko nang siguro mga 15 minutes din yun. 15 numb minutes.

takot akong bumangon no'n. baka mamya pagbangon ko maiwan ko yung katawan ko sa kama. haha...i watch too much cartoons.

hindi ko talaga naisip yun no. sinabi ko lang yun kasi natripan ko lang.

yun...tapos, bukas yung radyo...nasa ulunan ko. halos agiwin na ang loob ng tenga ko sa sobrang luma nung mga pinapatugtog! hahaha! kapanahunan pa yata yun ni Maria Magdalena Consolacion Aruanas y La Controbercia. (tanong niyo sa SS teacher niyo kung sino yan...)

edi yun, bago pa sabitan ng 'Home Sweet Home' ng mga gagamba ang tenga ko, naisip kong ilipat na sa ibang stasyon yung radyo ko. ang kaso, hindi ko maiangat yung braso ko. hindi ko na alam kung ano ang susunod kong sasabihin o icocomment kasi pinipilit ko lang talagang may ma-i-type ako dito sa blog ko. hahaha!

well...ilang bes akong nag-attempt na bumangon sa kama. ay nakaw, pag nakita niyo lang ang itsura ko...hirap na hirap ako. ngayon nga nangangati 'tong likod ko eh. hindi ko naman makamot kasi di ko maabot dahil pag pinilit ko, masakit.

tapos, binigla ko na lang yung bangon ko at akalain mo nga namang spirito ko yung naiwan sa kama at katawan ko lang yung bumangon.

hindi ka nagkamali ng basa...



nga pala, muntik ko ng malimutan yung sinasaing ko kanina. hahaha!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home