Saturday, March 31, 2007

HooLi ka BaLbon!

isa na yata to sa mga nakakahiyang experience ko sa mga bata.

kahapon kasi, nanunuod ako ng Bridget Jones Diary. hindi ko naman akalain na may mga bed scenes doon...ako pa mag-isa nung nanonood ako non. eh ayoko pa naman pag ganun! yung may makikita ako ng 'balat' tapos ako lang mag-isa! parang, 'ah...hehehe...ah?' di ako makatawa mag-isa. gusto ko ba yung may kasama akong magrereact na 'yikes! ano yan! hahaha!' pag tumawa naman kasi ako mag-isa, feeling ko parang ewan ako doon. haha! kahit na ako lang mag-isa doon, pakiramdam ko may matang nanonood sakin.

yeah, medyo may sayad ako.

anyway, so yun, tahimik akong naglalaway...(nakup! huli!) at nanonood nung movie tapos biglang umentra si Jon Jovi...(not his real name). bumibili ng mountain dew. (nagtitinda kami ng softdrinks...).

ang nakakatawa eh nung pumasok siya, saktong saktong sa may scene na kitang kita yung black na bra ni Bridget. hahaha! tapos may katabi pa siyang lalake na...sabihin na nating walang bra (hahaha!). tapos, mat kumot. so, yon. nakuha niyo na yung picture?

>Readers: ...lalakeng walang bra?....diba hindi naman talaga nagba-bra ang mga lalake?...<

ay nakaw. naabutan ni Jon Jovi yung bed scene!!! get na?!

>Readers: ah...(naglalaway)< o, yun! do i have to tell you everything?! shakks. anyway.

INTERRUPTION!

anak ng alikabok sa ilong oh! pinapatugtog yung What goes around comes around ni Justin Timberlake....just give me a moment to fantasize about him, okay?...

(fairy music please. ibagsak na ang petals. usok. glitters. xylophone. chimes.)

haaaayyyyy...i can see him dancing right in front of me.

okay back to bitter reality.

do i have to tell you everything?! explain to you every little detail?!!? hay.

so, back to my story. yun nga. nahuli ni Jon Jovi yung bed scene. yun ang nakakatawang part.

pero ang mas nakakatawang part eh pumasok siya sa loob ng bahay namin na naglalaway na!

HAHAHAHAHA!

buti na lang bata pa yun at hindi niya to mababasa...kundi, sinumbong na ko non sa nanany niya na pinagtitripan ko siya sa internet.

HAHAHAHAHA!

ang sama ko...

HAHAHAHAHA!

aba, eh masarap mantrip eh.

HAHAHAHAHA!

teka, teka. di pa tapos diyan yung kwento.

edi bumili nga siya ng mountain dew, kaso, naubos na yung mountain dew kaya 7 up na lang yung binili niya. edi, ayun.

tapos, bumalik na ako sa may sala. aba, lukotoy si Jon Jovi. hinihintay yata na i-play ko yung movie (pinause ko kasi...oo, pinause ko at nakatigil dun si Bridget at ang itim niyang bra at yung lalake at ang exposed niyang mammary glands...hahaha! palpak nanaman!...aha! kaya pala lalong dumami yung laway ni Jon Jovi nung inabot ko sa kanya yung 7 up...tsk stk)

anyway, ayun. nagpakiramdaman kami nun. dinadahan dahan niya yung paglakad niya tapos nakatingin siya sa TV namin. ako naman tinitignan siya sa peripheral vision ko kung nakalabas na ba o ano.

at habang hindi pa siya lumalabas, todo emote ako sun sa may sofa.

tinitigan ko yung remote.

haha! kunyari hinahanap ko yung Play button. haha! eh kabisadong kabisado ko na yung remote naming yun! haha!

grabe. i am such a great actress.

Actress na balbon.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home