Wednesday, March 22, 2006

NaNiNiWaLa Ka Ba Sa PaNiGiNiP?

para sa inyo, ano ang ibig sabihin ng panaginip?

prediction ba ito?
desires mo ba ito?
tinetesting ba nito ang iyong memorya?
paraan ba ito para makipagcommunicate sa kabilang mundo?
o isa lang itong bagay na naidudulot ng sobrang pagkain ng siomai at mais?

ako? ewan ko. basta ako may panaginip.

imaginin mo to:

itim na background. pitch black talaga.

may isang tuldok sa malayo, una tingin mo puti ito. pero habang palapit na ito nang palapit, nagiging berde na ito. berdeng may pagka-brown.

tapos, nung malapit na talaga ito, may makikita kang mga buhok buhok na nakatusok dito sa bagay na ito...

oo nga pala, tumatalbog pa ito. kanan. kaliwa. kanan. kaliwa.

alam mo na ba kung ano ito?

ito ay mapapag-aralan mo sa biology, specifically sa respiratory system.
kung wala nito, siguro'y tirahan na ng mga langaw ang ating mga baga.
kung wala nito, siguro'y malinis ang mga pader sa CR.
kung wala nito, siguro'y walang substitute sa paste.
kung wala nito, siguro'y tutule ang kakainin ng mga bata.

alam mo na? walang iba kundi si Mr. Kulangot.

yung sinabi ko sa inyong panaginip na may natalbog na booger? panaginip ko yun. at sa karanasan kong iyon, sa tingin ko, ang panaginip ay isang prediction.

nung napanaginipan ko kasi yun, siempre nakahiga ako sa kama. tapos sa pinto ako nakaharap. sa panaginip ko, palapit na nang palapit sa akin yung booger. AS IN SUPER LAPIT NA. kailangang umilag. at ako'y nagising na. alam mo ba kung sino ang una kong nakita?

muka ng tito ko na sa mga panahong iyon ay mahilig mamahid ng nasabing bagay.

wow. inspiring.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home