Thursday, April 05, 2007

sabi ng sasakyan, "Brief-brief!"

nagswimming kami nung April 3...

nakiayon samin yung panahon! ang saya nga eh! haha! hindi masyadong uminit!

napreserba ang kutis naming mas maputi ng konti sa balikbayan box. haha!

yun, wala tinamad na akong magkwento.

dederetsuhin ko na.

nung nagbabanlaw na kami, bihis na ko. inayus ko yung basa kong mag damit.

biglang may nakita akong puting (hmm...actually, hindi siya pure white...yayks!) tela...na hindi ginagamit ng mga babae at ginagamit ng tibong talagang gustong maging lalake kahit na wala namang sasapulin ang puting tela na yon.

BRIEF.

may nakita akong brief sa bag ko.

wag mo akong pag-isipan ng kung ano dahil mga katropa ko ang naglagay nun doon.

mga kuto sa pakpak ng gansa yung mga yon! kahit kelan talaga!

hindi ko tuloy alam kung pano ko isosoli yung tela na yon!

isipin mo nga, nasa plastic yung telang yon. bitbit ko. lalapit ako sa may nagmamay-ari nung tela na yon at iaabot yung plastic. ibubulong ko sa kanya na, "Wag mong ilabas. Brief mo yan."

at dahil yung nagmamay-ari non eh kilalalng kilala ko na, paniguradong kahit sinabi ko na na wag ilabas yon eh ipapakita pa rin niya sa kalawakan ang tela na iyon.

"oh?! talaga?! baka hindi akin to ah!" at sabay ilalabas ang mahiwaga niyang tela. iwawagayway sa ere. at isisigaw ang "MABUHAY!"

at makakamit na rin ang world peace na matagal ng inaasam-asam ng mga candidates sa Miss Universe.

pero ang mga may balak na mag Miss Universe ay tutol sa brief na iyon. ito ay sa kadahilanan na wala na silang pwedeng isagot sa mga judge. kaya naman, gagawa sila ng organisasyon na sisira sa lahat ng briefs sa mundo.

magtatagumapay naman ang organisasyon nila at maeeliminate na ang lahat, as in LAHAT ng briefs sa mundo.

kung kaya naman magiging ang mga lalake ay magpapanty na rin.

at dahil sa adaptation ay magdedevelop ang mga lalake ng female reproductive system at matatanggal na ang male reproductive system nila. iyon ay dahil sa pagsusuot ng panty.

kung panty kaya ang ipang takip ko sa namamaga kong mata ngayon, ano kayang mangyayari?...

"Are you ready kids?"

"AYE AYE CAPTAIN!"

"I cant hear you!"

"AYE AYE CAPTAIN!"

aLam niyo ba kung ano ang itSura ng isAng piRata?!

gumising ako nung isang araw na sumasakit ang mata...kaliwang mata...siguro kasi kaliwete ako.

kakaiba ang feeling. hindi ko maidilat ng maayos yung mata ko!

pantal?! oo, sumagi na sa isip ko na baka pantal yun. pero nung kinamot ko, masakit. parang may pasa. parang black eye, pero hindi.

tumingin ako sa salamin at nakita kong...namamaga ang mata ko...pero hindi siya pantal, inuulit ko. hindi siya pantal.

parang kumuha ng pambomba ng bisikleta tapos pinasok sa talukap ng mata tapos nun hindi natuloy yung pagbomba kaya ang ginawa, tinanggal yung pambomba tapos nun tinuhog na lang ng karayom tapos nung nagkabutas na, hinipan nung kung sino mang tao yung gumawa nun at lumobo yung mata nang ganun ganun lang.

ang sarap kamutin pero pag nasagi na ng daliri ko eh masakit na...nakakaasar yung ganung feeling diba?

TOP 5 NA AYOKONG FEELING SA KATAWAN:

1. yung nangangating paa. lalo na kung may kiliti ka sa paa. ang hirap kamutin. unang una, hindi mo alam kung saan yung makati tapos pag nahanap mo na, hindi mo rin makakamot kasi nga may kiliti ka diba? (kung may kiliti ka nga...)

2. yung nangangating gilagid, dila, ngalangala at ngipin. parang sa paa rin, hindi mo alam kung paano mo makakamot.

3. nangangating part na hindi mo pwedeng kamutin sa public. shakk. ang sarap magkulong sa kwarto pag ganyan at doon po kamutin nang kamutin hanggang sa masetisfy mo ang sarili mo...hahaha! diba hindi mo magawang kamutin sa public, so pipigilan mo! haha! nakakatawa yung ganyan. hahaha! hindi ka mapakali. kung minsan, pag nangyayari sakin yan, tinatawanan ko na lang yung sarili ko. haha! nakakatawa kasi talaga. yun bang sinisigaw mo sa utak mo na:

"SIYETE ANG KATE! wag mong kamutin! wag mong kamutin! imaginin mo na lang na kinakamot mo! gumalaw galaw ka para makamot ng kahit konti lang!!! mawawala rin yan mamaya"

ang kaso, hindi nawawala...kung minsan nawawala pero kalimitan lalong tumitindi yung kati.

4. yung may nasubong isang hibla ng buhok. hay. ang hirap niyan. hindi mo alam kung pano mo suisungkitin yung buhok sa bibig mo. ako naman kung minsan, nasa isip ko lang na may isang hibla ako ng buhok sa bibig. minsan wala naman talaga pero kinukumbinse ko yung sarili kong meron. hahaha! pero minsan lang yun pag gusto kong mainis. haha!

5. pag may bungang araw ka sa likod...alam mo ba yon? yon. basta.

puro kakatihan sa katawan yung mga ayaw ko no? haha!

masarap namang magkamot. HAHA!

BALIK TAYO SA MATA KO.


hanggang ngayon maga parin to. pero maayos nanaman yung pagdilat ko...hindi lang pantay yung mata ko. yung isa koreana. yung isa...hmm....mata ng taga dyan lang.

hindi ako lumabas ng bahay dahil sa mata ko.

I WANNA BE CAPTAIN HOOK!