Friday, May 04, 2007

So what if my first color choice was MaRoOn?!

i took this personality test where they would tell you your personality based on the colors that you picked.

and you know waht, NAPAKANEGATIVE nung results nung akin.

stressed daw ako...basta. pressured rin daw. tapos raw i feel like i dont get my share?!...

hmm...

after reading the results...it made me think. come to think of it, i am pessimistic and all.

i have inferiority complex...(well, that's what my Lola told me, who, by the way, is not a psychologist or any sort of doctor that has something to do with they way people think)...

i dont even know what inferiority complex really is. sabi ng Lola ko, sakit daw yun that makes the person who has it think that he is 'lower' than all the people around him...

that didn't bother me anyway. the only reason why my Lola told me that is because i have this habit of biting my fingernails. (well, not my fingernails. kinukutkot ko yung fingernails ko, not bite. di ko kasi alam ang english sa kutkot. haha!) back to the inferiority complex thingy. yun. she said, one sign of this inferiority complex is biting one's fingernails.

HAH! im not the only one who bites my fingernails. lots of people in my school do it too. YES, they also bite my fingernails...disturbing huh?

they said they enjoy biting mine than biting theirs.

actually, i-no-auction pa ang kuko ko. once, i earned Php 100 for my pinky fingernail.

hay. i cant believe they enjoy biting mine. haha!

im so excited to tell them what i do with these before i let them bite them.

i can already see the looks on their faces.

so cartoon-y! hahahahaha!

Tuesday, May 01, 2007

The gosh-my-head-feels-50%-less-heavy-now feeling

sa wakas. nakapag internet na rin.

nitong huling mga araw kasi eh puro ako text. nakakasawa rin pala lalo na kung P20 ang 1 araw lang ng unli. tsk.

pahirap ng pahirap na talaga ang buhay.

hay. ngayon ko lang narealize na ang sarap pala ng buhay ng maikli ang buhok. no need for combing your hair. konting kamay lang ang katapat. bwahaha!

weird nga eh. simula nung nagpagupit ako, nawiwili na akong tignan ang sarili ko sa salamin. siguro dahil sa huli kong 11 or 12 years sa buhay eh ngayon lang ako nagpagupit ng ganto kaiksi. hahaha!

im reborne.

hmm...ano ba yung reborne? tama ba yung grammar ko?

anyway, that's not the point.

nirerecommend ko sa mga babae na mahahaba ang buhok na magpagupit ng maiksi. haha. grabe. parang nawala yung ulo ko nung nagpagupit ako. haha!

isa na yata to sa bagay na hindi ko pinagsisihang gawin...haha. actually, nag-iisa lang ata tong bagay na hindi ko pinagsisihan...oh...ganyan ba karaming mali ang ginawa ko?...

sinong kausap ko?... hello.

shocks. bakit wala yung cursor?! multo na ata yung cursor dito sa blogger. oh...yikes... di ko talaga siya makita.

baka masyado siyang nakulong sa loob ng pc. hindi na siya naarawan kaya pumuti siya ng ganto na hindi na siya makita sa white background.

o, kitams, lumabas na siya ngayon. naarawan na kasi ang ting ting.