Wednesday, July 25, 2007

Ang Alamat ng Sampung Piso (hango sa friendster profile ko)

sa ngayon, nag aaway si Apolinario Mabini at Andres Bonifacio sa sampung pisong nakapatong sa keyboard ko.

Apolinario(Ap): umalis ka nga dito. ako ang nauna dito eh!

Andres(An): kapatid, huminahon ka. pinagsama tayo dito kaya kung maaari lamang ay hayaan mo na akong manahan dito.

Ap: HINDE! umalis ka rito! nagyon din!

An: padre, huwag ka namang ganyan. wala na akong matitigilan. alam mo namang pang barya lamang ako diba? hindi ako pwede kay Rizal at masyadong malaki ang ulo noon para magkasya kaming dalawa sa piso. at di rin naman pwede kay Aguinaldo't masyadong high maintenance yun. ginto yun dre, pilak lang ako.

Ap: pwes dun ka sa bente singko!

An: kapatid naman, pang kay tagpi lang yun eh. pumayag ka na kasi. bakit mo ba ako pinapaalis?

Ap: eh basta wag ka ng matanong. umalis ka na lang!

An: hindi ako aalis hangga't hindi mo sinasabi sa akin ang dahilan ng iyong pagtataboy sa akin!

Ap: gusto mo ta;agang malaman?!

An: oo!

Ap: sige. alam ko ang sikreto mo Andres...o Andressabel?!

An: (kalansing)

Ap: oo, Andres, alam ko ang sikreto mo! noong una ay pinalampas ko. hinayaan kita. tinanggap kita sa sampung pisong ito. pero lumipas ang mga araw Andres, alam ko, alam kong pinagsasamantalahan mo ako tuwing gabi! sa mga oras na akala mo'y mahimbing na ang tulog ko, nararamdaman ko ang haplos ng pilak mong kamay sa aking leeg. hindi ko na kaya Andres! hindi ko na kaya!!!

An: kapatid kong Apolinario, mali ka! hindi wasto ang iyong iniisip! hindi yan makatotohanan!

Ap: at bakit mo yan nasabi ha? wag ka ng magpalusot pa!

An: kapatid! nakaligtaan mong, wala akong kamay! at gayon din ikaw! kaya kahit gustuhin ko mang hawakan ang iyong leeg, hindi ko magagawa dahil wala akong kamay!!!

Ap: kung ganon, sino ang humahawak sa akin?!





...sino lang ba ang may kamay sa lahat ng nasa pera?...
*Ooohhhh...lala*