mabait
ang galing!
uhm. gusto ko lang sanang magpasalamat sa mga sumusunod..(haha..hindi naman nila mababasa to haha!)
kay Itay
kay Ate Munek
kay Doc Castillo
kay Genissa
una, kay Itay. bakit? uhm...grabe nga eh. kelan ko lang naisip na super thankful pala talaga ako sa kabaitan niya. yes. haha. si papa kasi yung tipo na mainit ang ulo sa una, tapos, lalamig din maya-maya. uhm. matigas sa labas, malambot sa loob. (hmm...panget ata pakinggan yun ah)...Englishin na lang natin! hard outside, soft inside. haha! yan!!! ganyan. oo. yes. woo. wee. ako ay thankful kay God at binigyan niya ko ng isang itay na tulad ni Itay. yihee. wee...
kay Ate Munek. ang pinsan kong lakwatsera na madaldal, uhm...na...na...flirtatiously (whatever sa spelling haha) yummy (tulad ko). uhm sinamahan kasi kami (ni Joyce) papuntang sa university na papasukan namin. hmm...puyat siya eh, 2 hours lang yung tulog niya...pero pinasyal niya pa ko. haha...tinuruan ako kung pano gumala...lakwatsa...uhm...haha. basta ganun. hehe. naglakad pa kami nang naglakad. matiyaga yan, si Ate Munet! masarap din kasama, di nauubusan ng kwento. uhm...pero, sana, hindi na siya magmura...at mas lalong sana na maging Christian siya!!! wee...yey!
kay Doc Castillo. dentista ko yan. haha. kelan pa? nito lang April 21 2008. haha. uhm, yan. kasi, nagpapasta ako nung April 21, tapos, may kailangan i-fill up na form...(requirement sa university)...eh sabi niya, yung university dentist daw ata ang mag-fi-fill up nun. so, hinayaan ko na. haha. di ko na pina-fill-up-an...but then, sabi nung isang kong kaibigan na dun din papasok sa university na papasukan ko, finill-up-an daw nung dentist niya yung form...ako naman, siempre, ayaw pahuli. siempre nasa isip ko, dapat ako din para sure...haha. ang kaso, 5pm nagsasara yung clinic ni Doc. ehh mga 4:30pm nasa bahay pa ko nung isa kong kaibigan...eh ayun. wala na. saka, tinext din ako ng nanay ko,sabi, wala daw dun si Doc nung tumawag siya. ... kinagabihan, di na ko mapakali. dahil nga dun sa form. eh ayun. tinawagan ni Ate Munek no. mga 8 pm na yata yon. itatanong kung pwede kami dumaan dun sa clinic. (ay, ako na pala ang nagtanong nun...haha)...at ayun, okay daw...(medyo nasesense ko ang kanyang iniisip "beh...malamang papayag akong pumunta kayo dito...bukas mo na kailangan yan eh...may choice pa ba ko bilang dentista mo?"...hmm...haha pero iniisip ko lang naman yan...hehe...bad, bad)...ayun! haha! nakapajama akong pumunta doon. at si Doc Castillo ay naka-t-shirt na uhmmm...crumpled (GUSOT!) at naka-short nang fill-up-an niya ang form ko! yey!!! tapos, nung natapos na niyang fill-up-an yung form, speechless ako. haha. sa sobrang pagka-grateful sa kabaitan niya!! TAPOS, NGUMITI NA LANG SIYA...HAHA! yey! ang cute naman nung ngiti niya eh. hehe. yun. umalis na kami at nagthank you. hindi ko alam kung pano ko susuklian ang kabaitan niya...naisip ko...magpapadentista na taun-taon...SA KANYA. (siempre) yun. haha!!! kahit di ko naman ugali yun...na magpadentista taun-taon...saka pinagpray ko na lang na dumami pa lalo ang patients niya. wee...at ma-save siya!!!
kay Genissa. kasi pwedeng-pwede akong mag-internet sa kanila...anytime. hahaha. serious na. oo. totoo. yun. ang prublema, minsan na lang ako pinapayagan ni Itay pag pupunta dun kina Genissa. yan.
weeee!!!! ang haba nung kay Doc Castillo!
oh, diba. mahaba na ang post ko. medyo may sense na. diba, diba.
may ikukwento pa ko. marami eh.eto na lang
*natisod ako on the way to SM Manila
*nung kakapkapan na kami sa may City Hall ata yun...muntikan na ko dun sa panlalake na side pumasok
*hindi ko alam yung "Miss, paki-receive."
*hindi ko alam yung "Miss,paki-drop dun sa box."
*nasabihan ako ng "JUSKO MISS, HINDI MO PA FINILL-UP-AN!"
*natatakot na ko dun sa mga babae dun sa UP Diliman.
*nataranta ako dun sa instructions nung isang...old lady dun sa Table 1.
*super inosente ako. as in. kainis. yun na yata ang moment sa buhay ko na naisip kong, NAPAKATULEG MO KIARRA!
*nakakaboo ang mga simpleng instructions.
marami pa. watch out.
ARAY ko naman o. sabi nang watch out eh.
TV! TV!