The Tale of The Wet Philosophical Analysis Book
ayun,katatapos lang ng KOM1ko,kung saan nanood kami ng Darna at Ding starring Vilma Santos and NiƱo Mulach.okay sana pero sabog ang sounds.haha.pero okay na rin,malamig naman sa room namin saka...basta, okay na rin yon.
(ang hindi okay ay hindi ko nakita yung crush ko na kamukha ni Ryan Agoncillo.tsk.)
pinagtiyagaan ko na lang rin yung Darna. Hindi lang naman kami basta-bastang pinanood noon. walang ganon sas kolehiyo no.ano kami?sinuswerte? dito,ang bawatpapagawa sa'yo ng professormo,aba,may kunek yan sa klase...ata. haha.pag ako naging prof,hindi ko gagawin yon. magpapagawa ako ng mga bagay sa estudyanteko na walang kunek sa klase namin. bwahaha!
at ayun.natapos na nga yung pinapanood namin. haha.
dumeretso ako sa CALlib.malamig ulit kasi doon. sabi ko,magbabasaako ng lesson ko sa Philo1. nagbasa naman ako pero tulad tuwing klase, kung minsan ay inaantok ako.ano pa nga ba ang dapat gawin?yumuko tayo't pumikit. humimbing sa pagtulog sa loob ng isang library na mayaman sa aircon.
o anong sarap nga naman ng buhay ng estudyante tuwing end ng semestre. bwahaha.
sandali akong tumigil sa dilim ng pagpapahinga.o anong sarap na punuin ang nagkulang na hininga ko sa pagtulog kaninang umaga.
ngunit o,sadyang nga namang lahat ng bagay ay may hangganan.ako'y namulat na malamig ang kanang pisngi.ano itong aking nararamdaman? ano nga ba ito't tila basa ang kanang bahagi ng aking muka na kinakalabit ng labi kung minsan (kapag pumayag ako)? ano nga ba ito at tila ata...oh!
ako'y tumingin paibaba, tinuon ko ang aking paningin sa librong nagsilbing unan sa ulo kong pagod.anoito?isang madilim na bahagi salibro?kumikislap kislap pa nga!umuulan ba sa loob ng silid-aklatang aking minamahal? ngunit, hindi naman? bakit baga basa yaring bahagi ng librong ito?
ah.akin ng napagtanto. hindi na ito bago sa akin.sadyang ganito ako sa tuwing umiidlip.
kailangang hindi nila makita.
tatakpan ko ito. dahan-dahan kong patutuyuin habang binabasa ang nilalaman nito. salamat sa malamig na hanging tinatahak ang kuweba ng ilong ko.salamat sa pagpapamanhid ng aking pang-amoy at hindi ko ikahihiya sa sarili ko ang tubig na dumadaloy sa aking labi.
check out http://www.planet-science.com/planet10/solar_preload.html