HooLi ka BaLbon!
isa na yata to sa mga nakakahiyang experience ko sa mga bata.kahapon kasi, nanunuod ako ng Bridget Jones Diary. hindi ko naman akalain na may mga bed scenes doon...ako pa mag-isa nung nanonood ako non. eh ayoko pa naman pag ganun! yung may makikita ako ng 'balat' tapos ako lang mag-isa! parang, 'ah...hehehe...ah?' di ako makatawa mag-isa. gusto ko ba yung may kasama akong magrereact na 'yikes! ano yan! hahaha!' pag tumawa naman kasi ako mag-isa, feeling ko parang ewan ako doon. haha! kahit na ako lang mag-isa doon, pakiramdam ko may matang nanonood sakin.yeah, medyo may sayad ako.anyway, so yun, tahimik akong naglalaway...(nakup! huli!) at nanonood nung movie tapos biglang umentra si Jon Jovi...(not his real name). bumibili ng mountain dew. (nagtitinda kami ng softdrinks...).ang nakakatawa eh nung pumasok siya, saktong saktong sa may scene na kitang kita yung black na bra ni Bridget. hahaha! tapos may katabi pa siyang lalake na...sabihin na nating walang bra (hahaha!). tapos, mat kumot. so, yon. nakuha niyo na yung picture?>Readers: ...lalakeng walang bra?....diba hindi naman talaga nagba-bra ang mga lalake?...<ay nakaw. naabutan ni Jon Jovi yung bed scene!!! get na?!>Readers: ah...(naglalaway)< o, yun! do i have to tell you everything?! shakks. anyway.INTERRUPTION!anak ng alikabok sa ilong oh! pinapatugtog yung What goes around comes around ni Justin Timberlake....just give me a moment to fantasize about him, okay?...(fairy music please. ibagsak na ang petals. usok. glitters. xylophone. chimes.)haaaayyyyy...i can see him dancing right in front of me.okay back to bitter reality.do i have to tell you everything?! explain to you every little detail?!!? hay.so, back to my story. yun nga. nahuli ni Jon Jovi yung bed scene. yun ang nakakatawang part.pero ang mas nakakatawang part eh pumasok siya sa loob ng bahay namin na naglalaway na!HAHAHAHAHA!buti na lang bata pa yun at hindi niya to mababasa...kundi, sinumbong na ko non sa nanany niya na pinagtitripan ko siya sa internet. HAHAHAHAHA!ang sama ko...HAHAHAHAHA!aba, eh masarap mantrip eh.HAHAHAHAHA!teka, teka. di pa tapos diyan yung kwento.edi bumili nga siya ng mountain dew, kaso, naubos na yung mountain dew kaya 7 up na lang yung binili niya. edi, ayun.tapos, bumalik na ako sa may sala. aba, lukotoy si Jon Jovi. hinihintay yata na i-play ko yung movie (pinause ko kasi...oo, pinause ko at nakatigil dun si Bridget at ang itim niyang bra at yung lalake at ang exposed niyang mammary glands...hahaha! palpak nanaman!...aha! kaya pala lalong dumami yung laway ni Jon Jovi nung inabot ko sa kanya yung 7 up...tsk stk)anyway, ayun. nagpakiramdaman kami nun. dinadahan dahan niya yung paglakad niya tapos nakatingin siya sa TV namin. ako naman tinitignan siya sa peripheral vision ko kung nakalabas na ba o ano.at habang hindi pa siya lumalabas, todo emote ako sun sa may sofa.tinitigan ko yung remote.haha! kunyari hinahanap ko yung Play button. haha! eh kabisadong kabisado ko na yung remote naming yun! haha!grabe. i am such a great actress.Actress na balbon.
LaZy MeE...
grabe...ang tamad tamad ko!!! wala akong ginawa kundi mag internet, manuod, magtext at magtelebabad. hahaha!pagbigyan niyo na ko. im a teen you know?!sinasamantala ko lang ang panahon. habang may oras pa kong mag saya. sa kolehiyo kasi...di ko na siguro magagawa tong mga to. haay...AYOKO PA!college. college. kailangan ba talaga niyan?! haha! gastos lang yan. kung pinambili ko na lang ng mais con yelo at macaroni salad yung perang gagamitin dyan, edi nalamigan pa ang lingkod niyo!haha! oo, ganyan kababaw ang tingin ko sa college. ganyan KABABAW. hahaha!darating kaya ang araw na tayong mga text addicts eh tutubuan ng daliri sa mata o ng mata sa daliri?... you know...yung pauso nilang 'adaptation' na laos naman. sus eh pakiramdam ko mga tinatamad lang rin yung mga scientist na nag-imbento nung teoryang yun eh! kung tutuusin, pwede na kong mag imbento ngayon ng teorya ko! haha! balewalain na ang scientific methods! deretso na agad sa conclusion! wala ng experi-experimentation o obse-observation! magsasayang ka lang ng panahon kakaganyan!Day 1napansin kong masarap mag-inat.Day 2napansin kong pagkagising, parang matigas o makunat ang joints mo sa katawan kaya masarap mag-inat.Day 3napansin ko na pag tulog, hindi ka masyadong kumikilos kaya kumukunat ang mga joints na nagsasanhi ng pagkasatisfy natin sa pag-iinat.Day 4 - ExperimentAng Experiment: kapatid kong si PaoloGagawin: pasayawin habang natutulog FLASH SCENEAnak: San ba tayo bibili ng sapatos ha ma?Ma: siguro sa ano...sa ano..butika. (oo, iniinis niya yung anak)Isa pang anak: (tawa lang sa loob...hahahaha!!!!)BACK TO THE EXPERIMENTGagawin: pasayawin habang natutulogReason: titignan kung masarap pa rin mag-inat kahit na hindi na makunat ang mga joints.Results on the Experiment: eyebags.darkening of the area around the eyes.anger.Results on the Scientis: Bruises.Conclusion: pagsayaw sa gabi ay masama.Day 5nag iisip pa rin ng experiment na pwedeng gawin.Day 6kumain ng hopiang ube.Day 7sumayaw habang natutulog.............Day 1,964experiment...experiment...ano...?Day 1,965Day 1,966Day 1,967Day 1,968Day 1,969Nanalo sa lotto.uupa na lang ako ng scientist para prublemahin tong prublema ko.rara!Historian: hmm...this Kiarra scientist...is she really a scientist?Historian 2: lemezee those documents...Historian: here (hands him the documents)Historian 2: (stares at the documents. spots something on the papers.) Holy Fattening Cream!Historian: what?! what is it?!Historian 2: there are Philippine money stapled on the documents!Historian: lemezee! (grabs na documents)Historian 2: we're rich! we're rich! those cost like, a million dollars right?!Historian: i thnik so...c'mon. let's bring this to the museum.(labas sa CR.)Historian: hey, flush that first!Historian 2: nah...let's just leave it there and let it stink. haha!Historian: Hiyapp! good idea!(thunder.lightning.rain.fart.)Goddess Taepoop: Who dares to not flush a holy poop?!Historian 2: I! and who are you...?!Goddess Taepoop: I am Goddess Taepoop! Goddess of all poop in the world! And because you two did not flush the holy poop, you will become flies! (kizzzapp!)and that's why flies always fly around poops. they found the documents of Kiarra in a poop so until now, the flies believe that every poop contains Philippine moneyand it's true. Philippines money is poop.kidding.
buti na lang tamad ako...kung hindi baka nalibing na ko sa tiyan ng palaka.
kuLang Ba ko NgayOn sa KuLay?!
bakit pakiramdam ko ang boring ngayon ng buhay ko?! nauubusan ako ng kwento ngayon...OH NO! nawawala na ba ang pagiging writer ko?!...pwede bang mawala yon?NO,NO,NO! Once a writer, always a writer...bwahaha!^^ whoo! grabe! namimiss ko na yang symbol na yan... ^^...wala kasi niyan sa cellphone ko...eh yan pa naman ang smiley sa cell ko...OHMYGOLLINESS! luminaw yung monitor namin!!!!!!!!!!! oh my!!!! whoo...ito ba ang biyaya sa akin ngayon?! ang luminaw ang monitor?! OH MY!!!parang sinasabing: "Kiarra, huwag kang mawalan ng pag-asa!"kung hindi niyo naitatanong...ilang linggo nang malabo ang monitor namin. pinagtyatyagaan ko lang na mag-internet kasi...kasi...adik ako. at ngayon....ngayon...Ang linaw na! hahaha!"Im gonna fell." (sa oras na tinype ko yang senyence na yan, lumabo ang computer namin. hay.)HAHAHA! nak ng tokwa! pa-english english pa kasi yung babae dun sa TV eh! mano ba'y pinag isipan niya muna bago sabihin! tsk.pumili ka sa dalwang sitwasyon na ibibigay ko.Situaation #1
Host: So, what did you feel when you were up there posing for your first photoshoot?Guest: (isip...) Nervous.Host: uh-huh. what else besides that?Guest: Oh, yes. my boyfriend was standing next to the photographer.Host: (spitflood)Situation #2
Host: So, what were your reactions after knowing that you're gonna have your first photoshoot?Guest: you dont know what i felt that time! you just dont know it...Host: yes,yes so what did you feel?Guest: the emotions were so strong you just dont know how i felt!!Host: haha (friendly laugh) we get your point but what exactly did you feel?Guest: oh...man. you just dont know how i felt that time!!!! whoo, ping me!Host: (panic. then spitflood)Situation #3Host: i felt so scared.Guest: why? why did you feel so scared?Host: i just cant take it! i was asking them questions in a proper way but they just wont answer me the way they should answer me. i just cant stand the torturing words that they speak!Guest: why? why cant you stand it?Host: because it disturbs my mind. like, did they really understand me? am i a good host? is the problem in me or in them?Guest: why? why do you think of it like that?Host: because it made me think of it like that!!! (cries)Guest: uh-huh, uh-huh...poor poor thing...Host: (stares at the camera man)Audience: WHOO PING ME!*************************************************wag ka na lang pumili. natripan ko lang yan...may ipaparating sana akong mensahe na makakatulong sa buhay kaso nakornihan ako eh. hahaha!anyway, nanuod kami kina Kets ng 'My Little Bride' (Korean movie) at nagsisi ako pagkatapos panuorin yun. tsk. nainggit lang ako.gusto ko tuloy ngayon ng fixed marriage. pero siempre dapat type ko yung ikakasal sakin saka dapat inis siya sakin tapos ako hindi siya kinikibo pero sa totoo lang baliw na baliw na ko sa kanya. teka nga. nasusuka ako sa sinasabi ko.(ipikit ang ilong...)okay. nasa matinong pag-iisip na uli ako.ang init talaga dito sa Pinas eh. kung gagamitin nung mga government officials yung mga dinukot nilang pera para bumili ng mais con yelo, halu-halo, sago't gulaman, ice cream at electric fan (oo, electric fan lang. harmful sa environment ang aircon...), eh susuportahan ko na sila.i po-promote ko ang corruption.kaso...hindi sila mababaw mag-isip tulad ko kaya wala. niloko ko lang ang sarili ko.HAY.
Ano na ang kinabukasan ko?!
ngayon ko lang lubusang naisip na 4th year na pala talaga ako pagpasok. oo 4th year na.isang 4th year na hindi pa handang magcollege.hindi pa. hindi pa. hindi pa.ume-echo yung 'hindi pa' sa utak ko...tsk.unang una, hindi ko pa alam ang course ko. mahirap pala pag marami kang gustong maging. pag ganon, gugustuhin mong wala ka na lang 'maging'. haha!...parang ngayon, ayoko ng 'maging'. gusto kong ganto na lang ako habambuhay. habambuhay akong 3rd year highschool student...haayyy....o kung hindi man ganon, gusto kong mabuhay na walang pinuprublema. yun bang kusang dumarating yung pera tapos gagastos ka na lang nang gagastos. kahit ano pwede mong gawin. basta mabuti. .manood, mag-internet,magtext, magSM, mag-sine, magparty,mag-gala...sarap ng buhay....ang puprublemahin mo na lang eh pano ka makakapuntang langit. bakit kaya hindi na lang ganun ang ginawa ng Diyos no? bakit marami pang kailangang prublemahin...pwede namang pagpunta na lang sa langit ang prublemahin. pero nandyan pa yung pera, pagkain, damit, tirahan, load at internet card...bakit ba kasi naging civilized pa tayo...?! edi sana lahat tayo ngayon nakahubad at namimitas lang ng hapunan sa mga puno. tapos friend pa natin ang mga wild animals. o, diba, ang saya?! yan. yan lang naman ang gusto ko eh. plain hapipiness.kung tutuusin, pwede akong mamuhay ng ganyan ngayon. kaso kailangan ko munang maghanap ng punong makukuhanan ng panghapunan.Civilization. Civilization. Bakit dumating ka pa?! pinahirap mo lang ang mga buhay namin.iaa pa yang pera na yan eh! bakit ba may nakaisip pa ng pera na yan ha?! okay na ko sa trading lang eh. kaso, pera pa! yang papel na yan na hindi ko alam kung anong meron at napakaraming nahuhumaling dyan. gaano lang ba yan?! magagamit niyo ba yan pag namatay na kayo?! bakit sila nagpapayaman ng todo?! bakit kailangang mangurakot?!kung walang pera, masaya sana ang buhay ngayon. sana maeliminate na yang pera na yan. sana!!!haayyy...ano kaya ang sumapi sakin at galit na galit ako ngayon?!magbasa kayo ng Bible ha.halina't hubarin ang mga damit at mamitas tayo ng dinner natin.
invisible bruises
naranasan mo na ba yung pagkagising mo na lang isang umaga eh hindi mo maramdaman ang katawan mo?!ako kaninang umaga lang.hahaha! gumising ako tapos nakatingin lang ako sa kisame ng kwarto ko nang siguro mga 15 minutes din yun. 15 numb minutes.takot akong bumangon no'n. baka mamya pagbangon ko maiwan ko yung katawan ko sa kama. haha...i watch too much cartoons.hindi ko talaga naisip yun no. sinabi ko lang yun kasi natripan ko lang.yun...tapos, bukas yung radyo...nasa ulunan ko. halos agiwin na ang loob ng tenga ko sa sobrang luma nung mga pinapatugtog! hahaha! kapanahunan pa yata yun ni Maria Magdalena Consolacion Aruanas y La Controbercia. (tanong niyo sa SS teacher niyo kung sino yan...)edi yun, bago pa sabitan ng 'Home Sweet Home' ng mga gagamba ang tenga ko, naisip kong ilipat na sa ibang stasyon yung radyo ko. ang kaso, hindi ko maiangat yung braso ko. hindi ko na alam kung ano ang susunod kong sasabihin o icocomment kasi pinipilit ko lang talagang may ma-i-type ako dito sa blog ko. hahaha!well...ilang bes akong nag-attempt na bumangon sa kama. ay nakaw, pag nakita niyo lang ang itsura ko...hirap na hirap ako. ngayon nga nangangati 'tong likod ko eh. hindi ko naman makamot kasi di ko maabot dahil pag pinilit ko, masakit.tapos, binigla ko na lang yung bangon ko at akalain mo nga namang spirito ko yung naiwan sa kama at katawan ko lang yung bumangon.hindi ka nagkamali ng basa...nga pala, muntik ko ng malimutan yung sinasaing ko kanina. hahaha!
ilang buwan rin akong nawala...
tsk...akala ko wala na akong pag-asa na maalala uli 'tong password ng account ko...like, UHMIGASH! eto ako ngayon! nagtatype!!!!ilabmaypakalog.haaaaaayyyyy!!!!!im back for more kaweirduhan! more kakornihan! more kabaliwan!weeeeeeee.....but not right now. im just not in the mood...