Sunday, March 26, 2006

-BLANKO-

visit niyo lang:

ayokongtocino.blogspot.com

nyAhAhAhA!!!

nag-unli na rin ako!!! after 24 years, dumating rin...

***************

bakasyon na kami...gala nanaman. kaya lang super init...malagkit sa balat!

sa sobrang init, ayun, nagkayayaan. swimming!!! kaya lang may problema.

meron pa kaming pupuntahan na recognition/graduation sa school (ganyan talaga buhay! walang inggitan)

eh gabi pa naman yung okasyon na yun! edi hindi kami nakita doon! p'tay tayo niyan!

hmm...magsuot kaya ako ng glow-in-the-dark?

hayaan mo na. basta makapagswimming, ayus na samin yon!

nga pala, nung Friday, pumunta kami sa dati kong school. akalain mo nga naman sumikat kami doon! binagyo kami ng 'miss, anong pangalan niyo?' at ng 'ano daw po number niyo?'

ako si boyet, siya si hudas at siya naman si julian.
(kiki) (gen) (jojo)

haha!!! pero sayang...kung binigay ko talaga yung number ko sa kanila, edi meron na akong katext ngayon diba?

geh, wala na kong ganang magtype ehh! nunuod muna ako ng TV!!!

waahhhh....nelson? yyyiiiieeee

gen2!!! puntahan mo to yung new blog ko: click here, (bery gud!)

pati yung kay jojo: dilaan ito

sige...may kakainin pa akong mais ehh!!!
nyahahahaha

Wednesday, March 22, 2006

NaNiNiWaLa Ka Ba Sa PaNiGiNiP?

para sa inyo, ano ang ibig sabihin ng panaginip?

prediction ba ito?
desires mo ba ito?
tinetesting ba nito ang iyong memorya?
paraan ba ito para makipagcommunicate sa kabilang mundo?
o isa lang itong bagay na naidudulot ng sobrang pagkain ng siomai at mais?

ako? ewan ko. basta ako may panaginip.

imaginin mo to:

itim na background. pitch black talaga.

may isang tuldok sa malayo, una tingin mo puti ito. pero habang palapit na ito nang palapit, nagiging berde na ito. berdeng may pagka-brown.

tapos, nung malapit na talaga ito, may makikita kang mga buhok buhok na nakatusok dito sa bagay na ito...

oo nga pala, tumatalbog pa ito. kanan. kaliwa. kanan. kaliwa.

alam mo na ba kung ano ito?

ito ay mapapag-aralan mo sa biology, specifically sa respiratory system.
kung wala nito, siguro'y tirahan na ng mga langaw ang ating mga baga.
kung wala nito, siguro'y malinis ang mga pader sa CR.
kung wala nito, siguro'y walang substitute sa paste.
kung wala nito, siguro'y tutule ang kakainin ng mga bata.

alam mo na? walang iba kundi si Mr. Kulangot.

yung sinabi ko sa inyong panaginip na may natalbog na booger? panaginip ko yun. at sa karanasan kong iyon, sa tingin ko, ang panaginip ay isang prediction.

nung napanaginipan ko kasi yun, siempre nakahiga ako sa kama. tapos sa pinto ako nakaharap. sa panaginip ko, palapit na nang palapit sa akin yung booger. AS IN SUPER LAPIT NA. kailangang umilag. at ako'y nagising na. alam mo ba kung sino ang una kong nakita?

muka ng tito ko na sa mga panahong iyon ay mahilig mamahid ng nasabing bagay.

wow. inspiring.

Shete naman o!

nakakaasar kanyo...!!!! alam niyo bang sa mga oras na ito na ay hindi pa rin ako unlimited!?

at alam niyo rin bang kahapon, sa mga oras ding ito ako nagtext sa 2870 ng "UNLIMITXT50"!?!?!

putek yang unlimited na yan...ginagawa akong addeekk!!!!

lam niyo bang kagabi, sa tuwing nagigising ako sa kalagitnaan ng aking pagtulog, ang unang pumapasok sa isip ko ay:

"Cell ko asan? Unli na ba ako?!"

ang hirap kaya ng madilim, bagong gising ka lang. tapos, kailangan mong tignan ang cellphone mo at alam niyo ba kung anong sakit sa mata ang naidudulot ng ilaw ng cellphone!?

ALAM NIYO BA!? hinde! hindi niyo alam dahil wala kayong alam...!!!

nagkakaroon pa nga ako ng mga hallucinations e. tulad na alng ng pag-ilaw ng cell ko. minsan, akala ko umiilaw ito. agad kong bubuksan ang case nito at parang isang cannibal, tititigan ko iyon. kung meron bang picture ng maliit na envelope doon? o kung ilan ang messages ko.

natadtad ang sent items ko ng mga messages na sinesend ko sa 222 para tignan kung nabawasan na ang load ko.

pero wala.

magtetext ba uli ako ng "UNLIMITXT50" sa 2870?

meenee meenee mayneemo...

Wednesday, March 15, 2006

An SM story

pumunta kaming SM para manuod ng Final Destination 3. okay ang lahat. kita-kita kami sa bahay ko. tapos lumabas na kami para sumakay ng bus.

yep...everything's soooo okay...

lumapit na yung konduktor. sabi ko kay Joyce, bayaran niya na muna ko sa bus tapos pagdating na lang sa SM ko siya babayaran...kinakapa ko yung bag ko for signs of my wallet...

and lo!

it was not there! siyete. siyete. siyete pesos lang ang pera ko sa bag!

gusto kong tumalon sa bus sa mga oras na yon para makuha ang pera ko sa bahay pero di ko magawa...hindi ko aalam kung pano ako makakpanood ng sine, bumili ng pagakin, umuwi pabalik sa SIYETE pesos lang...

buti na lang pinautang ako ni Joyce. hay...nagkaroon pa tuloy ako ng utang na loob doon sa babaeng yon...

sinulit namin ang 100 pesos namin. 2 times naming pinanood ang final destination 3.

ayun... hayyy....

tapos, isang bes din, pumunta uli kami sa SM para bumili ng bookreport sa SS.

inuna naming puntahan yung Philippine literature. at ang malas talaga...nasa suluk-sulok lang...parang sapot...maliit pero makapit.

meron ng STAINLESS LONGGANISSSSSSSSAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!

aaarrrggghhhh....bakit ngayon pa magpapakita yun!? kung kelan kukulangin ako sa pera!!!???

okay lang,....sabi ko...makakapaghintay yan. unahin ko muna yung book report kasi talagang kailangan na yun for tomorrow...

ayan. GUD GURL ako...bukas kasi kelangan nang makita ni Ms. Karen yung book...

at anak ng lalakeng pike naman o!

absent si Ms. Karen kinabukasan.

ABSENT. Parang yung stainless longganisa. ABSENT. wala saking mga kamay...nandun...sa NAtional....nakaupo lang doon...tinatawag ang pangalan ko...

"kiarra...eto ako...bilhin mo ko..."

"hintayin mo ko Stainless longganisa ko...pupuntahan kita...saglit lang...malapit na ko...hindi kita pababayaan..."

Narrator: Mabili kaya ni Kiarra ang Stainless Longganisa niya? Pumasok na kaya si Ms. Karen sa Monday para makita ang librong pinagpalit niya kay Stainless? Matuyo na kaya ang sampay nina Kate at Cheewee? Sundan sa susunod na kabanta ng...Ako'y Nandito Bakit Ka Nariyan?

basahin niyo muna yung post ko before this post.. ",

ayun...aaddeeekkk na nga ako...kailangan ng pumunta sa rehabilitation center para maibalik ako sa katinuan.

haayyy...hindi pa natatapos iyon dyan.

nag-unli uli ako. 1 day nga lang.

ang tao talaga...pasaway.

pero ang galing...naging 2 days yung unli ko...wehe...

yun na...ending.

anyway...haayyy...namiss ko talagang magpost dito.
namiss niyo ba ko!?!

HAHAHAAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH!!!!!!!!!

Waahhhh....choper lapit na talaga ng vacation...

hello...eto. im supposed to research something sa internet pero inuna ko to.
hehehe.

marami akong maikukuwento sa inyo pero sa dami...nakalimutan ko na.

ano bang maikukuwento ha?

hmm...parang nasanay na ko sa text. pano kasi. simula nung naubusan ako ng internet card, cellphone naman ang pinunterya ko.

waha.

una, 5 days akong unli.

tapos ng 5 days, sabi ko, yoko na.

edi ayos. natapos 5 days unli ko.

isang araw, hindi ako unli.

kinabukasan nag-unli ako ng...2 days ba yun?

bstah...

tapos, nagpuyat pa ko. nagyaya yung katext kong magpuyat. "shorba!" i said.

whew...aadddeeeeekkkk nnnaaaaa kkooooo....

eh, ang tagal magreply ng katext ko, ayan, natulugan ko siya...kawawa naman...nakonsensya nga ko nun ehh

pero okay lang...di naman kami close...wahahah...

tapos, nung natapos na unli ko ng 2 days...sabi ko pahinga muna...

akalain mong nakita ko na lang sa cell ko na naka-unli na ko!?

senyales ba ito ng pagiging addeeekkk?

tapos, yung isa kong katext, niyaya ako sa clan. payag naman ako. what harm can it do...?

WHAT HARM CAN IT DOOOOOO???????

aba'y pag-gising ko na lang eh 25 msgs received...padagdag pa nang padagadag.

panic mode! di ko alam kung ano ang rereplyan ko. puro NASL ang hinihingi...

xempre...rply na ko...

ayun...medyo okay...puro welcome newbies!!!! welcum chorvanes. kulang na lag mag-aloha sila. tapos sabitan ako ng garland sa leeg. buti sana kung ganon...eh hindi pwede yun..

wala naman kami sa Hawaii

gusto kong umiyak sa tuwa....

YAY! nakabalik din ako! yeeesssss!!!!! namiss ko ang pakalog ko!!!!!

mwah!
mwah!
mwah!

hindi ko alam...basta!!!! ang saya saya ko lang!!!!

soper!!!!! halos isang buwan kong hindi ito nakikita... haayyyy...its nice to be back...